^

Metro

BI: Mining exec ibabalik sa kulungan

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na inaasahang maibabalik na sa kanilang detention facility ang mining exe­cutive na si Joseph Sy sa loob ng isang linggo matapos siyang ideklara ng kaniyang mga doktor na medically fit na para sa discharge mula sa pagkakakulong sa ospital.

Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, pinayagan lamang ang halos isang buwang pananatili ni Sy sa ospital dahil sa humanitarian considerations. Si Sy, 60, ay nasa kustodiya ng BI kaugnay ng deportation proceedings matapos ang imbestigasyon sa umano’y ilegal na pagkuha ng mga dokumento ng Philippine citizenship. Inaresto siya sa Ninoy Aquino International Airport noong Agosto 21, 2025 matapos tumugma ang kanyang biometrics sa isang Chinese citizen.

Sinabi rin ni Viado na nananatiling nasa ilalim ng legal na kustodiya ng BI si Sy habang hinihintay ang pinal na resolusyon ng kaso, na kasaluku­yang nasa proseso pa ng pagdinig kasunod ng na­ging desisyon ng Court of Appeals. Patuloy rin umanong pinag-aaralan ng pamahalaan ang mga legal na hakbang na maaari nitong gawin.

Nilinaw ng BI na ang pagbabalik ni Sy sa detention facility ay bahagi lamang ng custodial at admi­nistrative procedures at hindi makaaapekto sa nagpapatuloy na judicial proceedings.

IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with