^

Probinsiya

Suspek sa road rage, nakabaril sa LTO exec, sumuko

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa road rage, nakabaril sa LTO exec, sumuko
Isinuko sa National Bureau of Investigation-Mimaropa headquarters sa Oriental Mindoro si Alvin Salazar, 48, business partner ng kanyang kapatid sa furniture tra­ding, kasama ang kanyang ina, kamakalawa bandang alas-5:30 ng umaga ayon kay Lt. Col. Roden. Fulache, hepe ng Calapan City.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang negosyanteng itinuturong suspek sa pamamaril sa Land Transportation Office assistant district chief sa Calapan City, Oriental Mindoro at dalawang negosyante, isa sa mga ito ang nasawi, ang iniulat na sumuko sa mga awtoridad, kamakalawa.

Isinuko sa National Bureau of Investigation-Mimaropa headquarters sa Oriental Mindoro si Alvin Salazar, 48, business partner ng kanyang kapatid sa furniture tra­ding, kasama ang kanyang ina, kamakalawa bandang alas-5:30 ng umaga ayon kay Lt. Col. Roden. Fulache, hepe ng Calapan City.

Inamin umano ni Salazar ang kanyang krimen sa isang panayam na isinagawa ng mga imbestigador ng pulisya sa custodial facility ng NBI, gayunpaman, hindi pa siya nagsagawa ng hudisyal na pag-amin.

Sinabi ni Salazar sa mga mbestigador na siya ay nagtago at nanatili at gumala mula sa iba’t ibang lugar mula noong dalawang araw pagkatapos ng krimen.

Sinabi ni Fulache na nagpasya si Salazar na sumuko sa tanggapan ng NBI matapos siyang himukin ng kanyang ina na sumuko sa mga awtoridad.

Magugunita na nauwi sa mainitang pagtatalo ang isinagawang checkpoint inspection ng LTO sa suspek hanggang sa humantong sa pamamaril sa LTO assistance chief Gerardo Garcia at dalawang negosyante, isa rito ang may-ari ng tindahan na si Angeles Marasigan, 85 na nasawi dahil sa mga ligaw na bala at pagkasugat ng may-ari ng motorcycle shop na si Bernaldo Diño Jr. sa Barangay Canlubing 1 sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Huwebes.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with