^

Metro

16-anyos na ‘missing’ ng 2 araw, ni-rape ng sekyu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang 24-anyos na security guard matapos ireklamo sa da­lawang araw na panghahalay diumano sa isang 16-anyos na dalagita, sa Parañaque City, noong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ni Parañaque City Police Station chief, PCol. Nicolas Piñon, ang suspek na si alyas “Jaril”, residente ng Caloocan City, ay nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque City Prose­cutor’s Office matapos ireklamo ng ina ng biktima sa paglabag sa statutory rape kaugnay sa Republic Act 7610 (Child Abuse Act).

Dinakip ng mga tauhan ng Baclaran Police Sub-Station 1 ang suspek alas-4:00 ng madaling araw, sa gas station nitong Agosto 2, sa Macapagal Avenue, sa ­Brgy. Tambo, Para­ñaque City.

Sa imbestigasyon, nawawala ang biktima simula noong Hulyo 30, at nang makauwi nitong Agosto 1, nagsabi ito sa nanay na siya ay inabusong sekswal ng suspek sa loob ng boarding house nito sa Parañaque.

ARRESTED

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with