Nxled dinomina ang Farm Fresh

MANILA, Philippines — Isinara ng Nxled ang kampanya sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa pamamagitan ng panalo.
Pinulutan ng Chameleons ang Farm Fresh Foxies, 25-17, 25-17, 25-18, sa Pool B ng play-in tournament kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Dahil sa maagang bakasyon ay papasok ang Nxled at Farm Fresh sa PVL Draft Lottery sa Hunyo at may tsanssang makabingwit ng mga bigating collegiate players.
Umiskor sina Krich Macaslang at Chiara Permentilla ng tig-siyam na puntos at may walong marka si EJ Laure para sa ikalawang panalo ng Chameleons sa 14 laro kasama ang dalawa sa play-in.
Nagtala si libero Rach Jorvina ng 20 excellent digs para sa kanilang straight-set win kontra sa Foxies.
“We’re confident we can keep up with the other teams – it’s just a matter of time,” sabi ni Jorvina sa Nxled na ginagabayan ni Italian coach Ettore Guidetti.
Hindi pinaglaro ng Farm Fresh sina key players Jolina Dela Cruz, Trisha Tubu at Lorene Toring, ngunit nakahugot kay rookie Pierre Abellana ng 10 points.
Sinamantala ng Chameleons ang hindi paglalaro nina Tubu, Dela Cruz at Toring para angkinin ang 2-0 kalamangan sa laro.
- Latest