^

Bansa

Hinay-hinay sa ‘zero remittance’ - Enrile

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Hinay-hinay sa �zero remittance� - Enrile
Chief presidential legal counsel Juan Ponce Enrile on February 13, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinaghihinay-hinay ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mga OFW sa bantang “zero remittance week” bilang protesta sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook post ni Enrile, sinabi nito na ­maaaring magdulot ito ng hindi kanais-nais na epekto tulad ng pagkawala ng ilang benepisyo sa buwis ng mga OFWs.

Kaya payo ni Enrile sa mga OFWs, pag-isipang mabuti ang kanilang balak dahil maaaring gumanti ang gobyerno dahil bawat aksyon ay may katapat na reaksyon.

Nilinaw pa ni Enrile, na nagbabayad ng income tax ang mga OFWs sa kanilang kinikita sa abroad, maliban dito, hindi rin pinagbabayad ng gobyerno ang mga OFWs ng travel tax, airport fees, at documentary stamp taxes sa kanilang remittances.

Hindi rin aniya inoobliga ng pamahalaan ang mga OFWs na maghain ng income tax returns.

Giit pa ni Enrile na prebilehiyo rin ng Kongreso sa mga OFWs ang pagkakaroon ng pasaporte para makapagtrabaho sa abroad.

Kaya tanong ni Enrile, kung ipatutupad ng mga OFWs ang kanilang plano na zero remittance, paano kung gantihan sila ng Kongreso at tanggalin ang lahat ng kanilang tax privileges.

JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with