^

Punto Mo

EDITORYAL - Hubaran, protector ng POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Hubaran, protector ng POGOs

NAKAPAGTATAKA kung bakit ayaw pang panga­lanan ni Pagcor Chairman at Chief Executive­ Officer Alejandro Tengco ang dating opisyal ng naka­raang administrasyon na namamagitan sa illegal Phi­lip­pine Offshore Ga­ming Operators (POGOs). Bakit ngayon lang siya nagsalita ukol dito gayung matagal nang niyayanig ng kasamaan ang bansa dahil sa ope­rasyon ng mga illegal POGOs.

Sabi ni Tengco, ang dating Cabinet Secretary raw ang nagla-lobby para mabigyan ng lisensiya ang POGOs­ kahit may masamang background. Hindi naman binanggit­ ng Pagcor ang pangalan ng dating Cabinet officials at mga kasabwat nito para mabigyan ng lisensiya ang illegal POGOs.

Nararapat daw imbestigahan ang tinutukoy niyang dating Cabinet official at mga kasabwat nito. Hinihikayat niya ang awtoridad sa agarang pag-iimbestiga para malaman ang katotohanan. Nakatakda namang ipatawag ng Senado si Tengco.

Isiniwalat din ni Tengco kung paano nabigyan ng lisensiya ang 298 POGOs samantalang 43 lamang ang may valid na lisensiya. Sinabi pa ng Pagcor chief na ang tungkulin ng kanyang ahensiya ay masiguro na nakakapag-operate ang lahat nang uri ng gambling at gaming activities na may kaukulang lisensiya.

Kung hindi pa sinalakay ang POGOs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga ay hindi mabubulgar ang lawak ng illegal gaming operation. Dawit sa POGOs si suspended Bamban mayor Alice Guo na kuwestiyunable ang nationality. Dahil sa dami ng illegal POGOs, marami ring krimen ang nagaganap sa bansa. Naging talamak ang investment scam, cryptocurrency scam at kung anu-ano pang scam. Naging talamak din ang human trafficking, kidnapping at prostitution.

Pinaniniwalaan din na ang illegal POGOs ang ginagamit para makapasok sa bansa ang mga espiya ng China. Sa isinagawang raid sa Porac, maraming uniporme ng China Army ang natagpuan. Palatan­daang may mga nakapasok na espiya sa bansa at banta na sa seguridad.

Ngayong sinabi ng Pagcor na isang dating opisyal ang protector ng illegal POGOs, dapat magkaroon nang agarang imbestigasyon at nang mahubaran ang opisyal.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with