^

Police Metro

2 gun runner utas sa shootout

Jorge Hallare, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang gun runner ang nasawi nang ito ay maki­pagbarilan sa mga otoridad sa isang gun buy-bust operation sa Purok-5, Brgy. Rawis, Legazpi City, Albay, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang dalawang nasawing suspek sa mga pangalang Josef at Erwin; pawang nasa hustong gulang at kapwa residente sa lugar.

Sa ulat, bago naganap ang shootout, alas-4:30 ng hapon ay naglatag ang mga kasapi ng Tracker Team 1 ng Regional Intelligence Division 5 mula Camp Gen. Simeon Ola ng gun buy- bust operation laban sa dalawa.

Gayunman, habang isinasagawa ang transaksiyon sa pagbili ng cal. 45 pistol sa halagang P21,000 ay nakatunog ang mga suspect na undercover agent ng pulisya ang kanilang ka-deal. Kaya agad ang mga itong nagpaputok ng baril na nagresulta sa shootout at tinamaan sa likurang bahagi ng katawan ang isang pulis na maswerteng nakasuot ng bullet proof vest.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis at parehong nasapol sa katawan ang dalawa na patay nang bumulagta habang mabilis na nakatakas ang mga kasamahan nito.

Nabatid na ang dalawang suspek ay may mga kinakaharap na kriminal na kasong carnapping, gun running, iligal na droga, at robbery hold up.

Isa umano sa suspek ang nakulong sa New Bilibid Prison noong 2014.

Nabawi mula sa mga suspek ang ibinebentang kalibre 45 pistola; P21,000 buy-bust money; at isang kalibre 38 baril.

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with