^

Bansa

VP Sara ang nang-iwan ­sa gobyerno - Malakanyang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
VP Sara ang nang-iwan ­sa gobyerno - Malakanyang
Vice President Sara Duterte
STAR/File

MANILA, Philippines — Ang gobyerno ang iniwan ni Vice-President Sara Duterte at hindi siya ang iniwanan ng gobyerno.

Ito ang iginiit ni Palace Press Officer Under­secretary Atty. Claire Castro matapos ang pahayag ni VP Sara sa isang pagtitipon sa Hongkong ng mga Pinoy na iniwanan na ang Office of the Vice President (OVP).

Sinabi naman ni Castro, na ito ang nais nilang iparating na maging kaawa-awa ang OVP para ­maging kaawa-awa rin ang Bise Presidente.

Kung tutuusin aniya, binigyan ng pagkakataon si VP Sara na ipagtanggol at idipensa ang kanyang proposed budget at hindi rin hinahadlangan na magbigay ng tamang budget sa OVP kung ito ay maipapaliwanag niya.

Inihalimbawa nito ang thesis kung saan dapat din idepensa para mabigyan ng grado ,at hindi ­maaaring sabihin sa panel of judges na “kayo na po ang bahalang magbigay sa akin ng grade, basta iyan na po ang thesis ko.

“So wala pong nang-iiwan sa kanya, baka po siya po ang nang-iwan sa gobyerno,” pahayag pa ni Castro.

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->