^

Dr. Love

Barkada, alak ang inuuna

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Marie, 10 taon nang kasal. Sumulat po ako tungkol sa mister ko.

Dati magkasama kaming nagsisimba tuwing Linggo. Ngayon, ayaw na niya. Tuwing Linggo ng umaga pa lang, umaalis na siya papunta sa barkada. Inuuna pa ang alak kaysa sa Diyos at pamilya.

Kapag niyaya ko, lagi niyang dahilan ay puyat o pagod sa trabaho. Pero uuwi siyang lasing na, mainit ang ulo. Nasasaktan ako, lalo na kapag nagtatanong ang mga anak namin kung bakit ayaw nang sumama ng papa nila sa simbahan.

Mahal ko pa rin po siya, Dr. Love. Gusto ko lang siyang bumalik sa dati. Paano ko po siya kakausapin nang hindi kami nag-aaway? Paano ko siya maibabalik sa simbahan at sa amin?

Marie

Dear  Marie,

Ramdam ko ang pagod at lungkot mo. Maraming misis ang kagaya mo— mag-isang pumupunta sa simbahan habang ang mister ay nasa inuman.

Ang payo ko, kausapin mo ang mister mo kapag hindi lasing. Sa umaga, habang mahinahon pa kayo, sabihin mo ang nararamdaman mo. Huwag manumbat. Sabihin mo, “nalulungkot ako kapag wala ka sa tabi namin sa simbahan. Kulang kami kapag wala ka.”

Huwag mo siyang pilitin, ipaalala mo lang. Kapag pinipilit, mas lalong lumalayo. Ipaalala mo ‘yung dati ninyong pangako sa Diyos at sa isa’t isa. Mas tatatak ‘yun kaysa sermon.

Isa pang magagawa mo ay dalhin ang simbahan sa bahay. Magdasal kayo ng mga bata bago kumain. Maging payapa ka pa rin. Makikita niya ang kapayapaang wala sa inuman. Lumapit ka sa taong nirerespeto niya — magulang niya, kuya niya, o pari ninyo. Minsan mas nakikinig ang lalaki sa payo ng ibang lalaki. At higit sa lahat, ipagdasal mo siya, dahil walang imposible sa Diyos.

DR. LOVE

MARIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with