KC, nakipag-date night kay Sen. Kiko

“Finally… date night with Dad. missed this,” umpisa ng post ni KC Concepcion na kasama si Sen. Kiko Pangilinan.
“Good food, great stories, the best life advice. LOVE quality time with my family,” dagdag pa niya na obvious na nasa isang Korean restaurant sila.
Sa huli ay sinabi niyang: “Ma, congrats on Honor Thy Mother premiere! @reallysharoncuneta More family QT soon. @kiko.pangilinan.”
Nauna nang binati ng happy birthday ni KC ang kanyang stepdad na in-assume ng followers nilang nagkaayos na ang mag-ama.
Matagal din silang diumano’y hindi nag-usap dahil sa ilang personal issues.
- Latest



















