^

Probinsiya

Konsehal, misis tusta sa sunog sa Leyte

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang konsehal at misis nito matapos na makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa New Hope Village, Brgy. 107, Sta Elena, Tacloban City, Leyte nitong Linggo ng umaga.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office, dakong alas-6:08 ng umaga nang mangyari ang sunog sa New Hope Village na ­housing project ng pamahalaan para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan sa kasagsagan ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang mag-asawa na hindi pa tinukoy ng pulisya ang mga pangalan nang umano’y napuyat matapos na dumalo sa isang birthday party ng kanilang kamag-anak nang mangyari ang sunog.

Ang sunog ay mabilis na kumalat na bumalot sa buong kabahayan kung saan na-trap sa sunog ang magasawa na nabigo ng mailigtas ng kanilang mga kapitbahay dahil nababalutan na ng apoy ang tahanan ng mga ito.

Naapula naman ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero bandang alas-6:30 ng umaga.

Narekober ang katawan ng mag-asawa matapos ang sunog kung saan halos hindi na makilala. Nasa dalawang kabahayan din ang nasunog sa insidente.

Kasalukuyan pang inaalam ang mga awtoridad ang sanhi ng sunog na kumitil sa buhay ng mag-asawa habang tinataya namang aabot sa mahigit P60,000 ang pinsala sa insidente.

BFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with