Ama na wanted, timbog sa panggagahasa sa anak
CAMP VICENTE LIM, LAGUNA, Philippines — Isang 51-anyos na ama na wanted sa panggagahasa sa kanyang anak na babae simula anim na taon hanggang 18-anyos sa Trece Martires City noong 2025, nasakote sa Barangay Sasa, Davao International Airport noong Martes ng umaga.
Ayon kay Col. Ariel Red, Cavite police director, na isang team buhat sa Maragondon police operatives ang bumiyahe patungong sa Davao City para isilbi ang hawak nitong warrant of arrest na inisyu ng lokal na korte, noong Pebrero 10, 2026 para sa panggagahasa laban sa naarestong suspek – isang electrician na, alyas “Ricky,” 51 at residente sa Barangay Gredu, Nortebo City, Davao.
Dagdag pa ng opisyal na ang mga reklamo ay nagmula sa kanyang anak na babae, na 19-anyos na ngayon mula sa Trece Martires City, Cavite, na nag-akusa sa kanyang ama ng sekswal na pang-aabuso at panggagahasa. Binanggit sa rekord ng pulisya na nagsasaad na ang pang-aabuso ay nagsimula noong ang biktima ay anim na taong gulang pa lamang at nagpatuloy hanggang ang biktima ay umabot sa edad 18 nang malaman ng kanyang ina ang tungkol sa insidente.
Na-locate ng team ang suspek sa kanyang Facebook account at gumamit ng isang babaeng Facebook account para makipag-ugnayan sa suspek sa loob ng halos isang buwan. Naakit ang suspek at noon na pumayag na makipagkita sa Davao International Airport sa Brgy. Sasa, Davao City kung saan agad tumungo ang suspek at dinakip habang hinain sa kanya ang warrant sa airport sa kahabaan ng Paradise road dakong 8:50 a.m.
- Latest




















