^

PSN Palaro

22 Pinoy athletes sa Paris Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
22 Pinoy athletes sa Paris Olympics
Nag-selfie si POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino kasama ang mga Olympic-bound athletes.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naabot na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang target nitong makapagpadala ng mahigit 20 atleta matapos umangat sa 22 ang nagkuwalipika sa 2024 Paris Olympics.

Ito ang pinakamala­king delegasyon ng bansa sapul noong 1992 edisyon sa Barcelona, Spain.

Nadagdag pa sa lista­han sina hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang To­lentino na pormal nang inihayag ng World Athletics.

“Target achieved,” ani POC president Abraham “Bambol” Tolentino.

Haharap na sa mas malaking hamon ang Team Philippines — ang manalo ng medalya sa Paris Olympics.

“Now to the most important goal—medals,” ani Tolentino.

May 26 atleta ang nagkuwalipika sa 1992 Bar­celona Olympics kung saan sumungkit ng tanso si boxer Roel Velasco.

Bumaba ito sa 12 at­leta noong 1996 Atlanta Games kung saan nanalo ng pilak si boxer Mansueto Onyok Velasco.

Mula noon ay hindi na nakapag-uwi ng medalya ang Pilipinas sa mga sumunod na edisyon — 20 atleta sa Sydney 2000, 15 atleta sa Athens 2004 at Beijing 2008 at 11 sa London 2012.

Noong 2016 sa Rio de Janeiro ay may 13 atleta ang Pilipinas.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with