^

PSN Palaro

Eala no. 24 na sa WTA live rankings

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala no. 24 na sa WTA live rankings
Napatanaw sa langit si Pinay tennis ace Alex Eala ng biglang bumuhos ang ulan sa kasagsagan ng kanilang championship match ni Jessica Pegula ng Amerika sa Mubadala DC Open.
Mubadala DC Open photo

MANILA, Philippines — Sumampa si Alex Eala sa panibagong career-high na No. 24 sa WTA live rankings matapos makapasok sa finals ng Mubadala DC Open na ginaganap sa Washington DC sa Amerika.

Umangat si Eala ng apat na puntos mula sa kanyang dating puwesto na No. 28 para makuha ang kanyang bagong career-high position.

Nakalikom si Eala ng 265 puntos para madagdagan ang kanyang kabuuang puntos ng 1,931.

Aangat pa ito kung makukuha ni Eala ang kampeo­nato sa Mubadala DC Open.

Nagsimula na ang laban kung saan lamang si top seed Jessica Pegula ng Amerika matapos makuha ang unang set sa iskor na 6-4.

Subalit abante si Eala sa second set, 2-1, nang matigil ang laro dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Kailangan ni Eala na kumayod ng husto upang maitabla ang set sa 1-1 at maipuwersa ang third set.

Sa pagpasok nito sa finals, nakasisiguro na si Eala ng tumataginting na $155,000 o katumbas ng P9.3 milyon base sa exchange rate na P60 kada $1 dolyar.

Lalaki pa ito sa $252,000 o mahigit P15 milyon kung masusungkit ni Eala ang kampeonato sa Mubadala DC Open.

Gayunpaman, hindi makukuha ni Eala nang buo ang mga nabanggit na prize money dahil mababawasan pa ito ng tax kasama pa ang mga coaches fee at iba pang gastusin ng kanyang team.

Matapos ang Mubadala DC Open, agad na tutulak si Eala sa Toronto, Canada para naman sa National Bank Open na isang WTA 1000 event.

Hawak ni Eala ang No. 25 seed sa National Bank Open kaya’t makasisiguro na ito ng opening round bye.

Malaking tulong ito para makapagpahinga pa si Eala bago sumabak sa National Bank Open lalo pa’t bibiyahe pa ito mula Washington patungong Toronto.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with