^

Police Metro

Malacañang: Hindi simpleng banta ang pahayag ni VP Sara

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Hindi simpleng pahayag ang umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez,” ayon sa Malacañang.

Iginiit ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kung hindi maituturing na pagbabanta ang mga naging pahayag ng bise presidente, dapat ipaliwanag ng kampo nito kung ano ang tunay na kahulugan ng mga ito.

Sinabi rin ni Castro na ang usapin ay may kinalaman sa national security dahil ang target umano ng pagbabanta ay ang Pangulo ng bansa at ang nagsalita ay ang nakaupong bise presidente.

“Isang katawa-tawa ang ganiyang mga pahayag. Unang-una, hindi ito lihim; lahat ng tao halos nakapanood, hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Ang grave threats, alam ng bawat Pilipino ay nako-consummate kapag iyong taong binanatan ay nalaman ito,” wika ni Castro

Maliban dito hindi rin aniya itinatanggi ng Bise Presidente ang kanyang mga pahayag sa halip ay kanya pa itong binigyan ng katuwiran.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with