Escudero inihalal bilang presiding officer sa impeachment trial
MANILA, Philippines — Inihalal ng Senate impeachment court si Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer matapos makakuha ng 12 boto pabor laban sa walong tutol sa pagsisimula kahapon ng impeachment trial ni Vice President Sara.
Nauna rito, iginiit nina Sen. Alan Peter Cayetano na dapat ang Senate President mismo ang mamuno sa pagdinig dahil ito ang isinasaad ng Konstitusyon na sinuportahan naman siya ng kanyang kapatid na si Sen. Pia Cayetano.
Binanggit pa ni Cayetano (Alan) na kahit pa siya ang gawing presiding officer ay hindi niya ito tatanggapin dahil labag ito sa Konstitusyon.
Sinabi rin ni Cayetano na “more than capable” si Gatchalian na pamunuan ang trial.
“I want to avoid walkouts. I want to avoid any delays, Mr. President. The Senate President is more than capable. He said he is willing. He said he is ready. He has been in many situations in his life that people say you cannot do it, but he has done well,” ani Cayetano.
Pero, pinanindigan ni Gatchalian ang ipinasang resolusyon ng Senado na nag-amyenda sa kanilang mga patakaran, na nagbigay-daan upang ibang senador ang mahalal bilang presiding officer ng impeachment court.
Upang matapos ang diskusyon,iginiit ni Gatchalian na magkaroon ng botohan kung sino ang mamumuno sa pagdinig kung saan isinulong ni Sen.Panfilo Lacson si Escudero na ibinoto naman ng mayorya ng 21 senator-judges.
Binanggit ni Escudero na layunin ng impeachment na i-preserve ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pagtanggal at disqualification ng isang “unfit official” mula sa kanyang posisyon.
Matapos mahalal si Escudero, nagpatuloy ang paglilitis kung saan kapwa binigyan ng pagkakataon ang prosekusyon at depensa na magsalita.
- Latest















