Sharon at Arnold, sumagot sa mga whistleblower ng maleta/paper bag ng pera

Mabilis ang sagot nina Sharon Cuneta at Arnold Clavio na hindi sila tumanggap ng pera tulad sa mga sinabi ng whistleblowers kahapon na diumano’y dating sundalo sa pagtitipon ng mga dating security ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Post kaagad ni Sharon: “MGA SINUNGALING!!!! ALAM NG PANGINOONG DIYOS KUNG SINO ANG TUNAY NA SUMUSUNOD SA KANYA!!! SOBRA NA KAYO!!! I vlogged about this visit to Marawi on my YT channel!!! This was after the elections and we went back to Marawi to thank the Governor, Mayor and other officials for their support!!!”
Lumabas ang isang photo nila ni Sen. Kiko Pangilinan sa nasabing pagtitipon ng mga diumano’y whistleblowers.
Ayon naman kay Arnold Clavio handa siyang harapin na walang takot ang bintang na diumano’y tumanggap siya ng limpak-limpak na salapi na nakalagay sa paper bag. Aniya sa kanyang statement: “Lies. Nakakatawa. Nakakalungkot. Pero lahat ng ito ay haharapin ko ng walang takot. Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna. Hindi ako natatakot. Wala akong itinatago. Magkita na lang kami sa korte, at doon ulitin nya lahat ng kanyang walang ka kwenta kwentang bintang.”
- Latest


























