^

Punto Mo

Bigyang kabuluhan ang Kapaskuhan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

TAUN-TAON, ipinagdiriwang nating mga Kristiyano ang Disyembre 25 na kaarawan ng pagsilang ng manunubos na si Hesus. Ang pagbibigayan at pagmamahalan ang nakagisnan nating alay sa kapwa sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan maging anuman ang kalagayan sa buhay.

Maraming magkakaibang simbahang Kristiyano ang may magkakaibang interpretasyon sa mensahe ng banal na kasulatan ngunit pawang sa kabutihan din naman ng kanilang nasasakupan ang nakapaloob sa kanilang katuruan.

Maraming tukso at intriga ang nakapalibot ngayon sa ating bansa dahil sa nalalapit na eleksyon. Maging ang mga miyembro at pamunuan ng iba’t ibang simbahang Kristiyano ay nilalapitan ng mga pulitiko para kunin ang kanilang suporta.

Nagiging instrumento ng mga pulitiko ang selebrasyon ng Kapaskuhan upang mag-anyong pilantropong namamahagi ng biyaya sa mahihirap na inililista ng barangay coordinators. Mga regalong handog na may inaasahang kapalit.

Mas magiging makahulugan ang Pasko sa sinuman lalo na sa mga pulitiko kung isasantabi muna ang pansariling kapakinabangan. Buhayin na lamang ang diwa ng pagsilang ng tunay na manunubos.

Katusuhan ang karaniwang nakapaloob sa larangan ng pulitika na isinasagawa ng mga taong kabahagi ng pangangampanya. Inililigaw ng karamihang lider ng pulitiko sa katotohanan ang sambayanang Kristiyano.

Naglisaw sa mga barangay ang sari-saring estilo ng pamimigay ng regalo. May raffle tickets na ipinamamahagi sa bawat tahanan kapalit ang impormasyon kung ilan ang bilang ng miyembro ng bawat pamilya. Pinaka-importante ay kung ilan ang bilang ng botante na rehistrado sa barangay.

Namamayagpag pa rin ang ganitong kalakaran dahil ipinagkikibit-balikat na lamang ng mamamayan. Katwiran nila, makaparte man lamang sa kinurakot ng kanilang lingkod bayan.

Ang kapaskuhan ay okasyon ng pagpapasalamat sa pagsilang ng manunubos. Hindi ang pagbubunyi sa pulitikong magbabaon pa sa atin sa kapahamakan. Tandaan natin ‘yan!

Maligayang Pasko sa lahat!

PASKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with