PAOCC spox Casio nanampal ng POGO worker, sibak!
MANILA, Philippines — Sinibak ng Malakanyang ang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organizd Crime Commission (PAOCC) na si Winston Casio.
Ito’y matapos mag-viral sa social media ang video nang pananampal ni Casio sa isang Pinoy sa isinagawang raid sa scam hub sa Bagac, Bataan.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng PAOCC, bukod sa pagsibak sa pwesto pinagpapaliwanag din in writing si Casio.
“Under administrative investigation. Relieved as PAOCC spokesperson and ordered to explain actuations in writing,” pahayag pa ni Bersamin.
Agad naman na humingi ng paumanhin si Casio.
“I apologize to everyone in this ops. Nabahiran pa tuloy. I was not able to control myself sa ginawa sa bata at sa kaibigan ko na parang ate ang turing ko,” sinabi ni Casio.
Handa naman aniya si Casio na harapin ang kanyang naging aksyon.
“Pero I will man up. I am willing to face the music po. Pinapili ko siya mag-file kami ng unjust vexation or sampalin ko siya. Pinili niya latter. Pero mali pa rin sirs and maam. So I will face the consequences,” sinabi pa ni Casio.
Sinabi naman ni Bersamin na pinag-aaralan na nila ang written explanation ni Casio.
- Latest