^

Pang Movies

Gwapong aktor, mas ­priority ang datung kesa sa gender issue

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naaasiwa ang isang guwapong aktor kapag natatanong ng mga kaibigan o kamag-anak kung kailan siya mag-aasawa!

Either hindi ito diretsong sinasagot ng aktor o ‘di kaya eh idinadaan sa biro upang hindi na maging makulit ang kausap!

Laging trabaho ang idinadahilan ng aktor kung kaya wala siyang girlfriend. Eh totoo naman dahil tambak nga ang trabaho in and out of showbiz.

Dedma na lang siya sa mga dudero at dudera. Wala siyang pakialam kung pagdudahan ang sexual preference niya. Basta siya ay may trabaho, may pera at nakakatulong sa iba!

Naku, hindi naman nag-iisa ang sikat na aktor sa ganyang ispekulasyon!

Heart, walang duda ang pagiging fashion icon

Walang dudang isang global fashion icon si Heart ­Evangelista kaya naman siya ang pinarangalan bilang Fashion Icon ng Harper’s Bazaar Thailand’s Women of the Year.

Nag-upload ang Harper’s Bazaar Thailand ng isang Instagram Reel sa kanilang account kung saan tinatanggap ni Heart ang kanyang Fashion Icon Award sa Women of the Year 2026 event ng magazine.

Ang nagbigay kay Heart ng award ay si Ali Ziani, CEO ng Digizen Co. Ltd.,

O, ‘wag na kayong umepal at dahil sa achievements ni Heart bilang isang inspirational woman!

Congratulations, Heart!

ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with