Vice, binuking na mabaho ang paa ni Cianne!

Ano ba ‘yan? Nilinaw ni Vice Ganda sa It’s Showtime na walang putok si Cianne Dominguez, pero may parte pa rin ng katawan nito ang mabaho.
Vice: “Hoy! Ang daming nagtatanong sa akin kung may putok si Cianne! Walang putok si Cianne no! May nag-text talaga sakin sabi ko ‘wala! Tagal ko ng kasama ‘yun walang putok ‘no. Mabaho ang paa ni Cianne pero wala siyang putok.”
Reaction ng viewers, mabaho pa rin si Cianne at may nagtanong naman kung makakatulong sa kanya ang sinabing ito ni Vice. Para raw mas nadagdagan ang “mabahong” isyu kay Cianne.
May nabasa naman kaming comment na nagreklamo. Tanghalian daw pero ang pinag-uusapan ay “putok” at “mabahong paa.” Hindi raw nakakatawa at nakakatuwa.
Romnick, nakakuha ng mga kakampi sa no to Pax Silica!
Matutuwa nito si Romnick Sarmenta, dumarami ang taga-showbiz na kontra sa Pax Silica. Kung dati, si Romnick lang ang consistent at open dito, ngayon ay may mga nadagdag na.
Si Sanya Lopez, nag-repost ng photo ng kabundukan, very green at very healthy at may text overlay na “No AI Data Center Should Ruin The Beauty Of These Views.”
Nag-repost din si Belle Mariano na may nakasulat na “Ang Lupa Ng Bayan Ay Hindi Yaman Ng Mga Dayuhan. Reject Pax Silica.”
May post din si Esnyr sa Instagram Story niya ng “Ang Lupa ng mga katutubo ay sa kanila #rejectpaxsilica” sinundan ng “No to Pax Silica” at “Di Pa Kayo Galit, Bakit?”
Samantala, tuloy si Romnick sa pagpo-post ng saloobin niya kung bakit tutol siya sa Pax Silica.
“You don’t want artificial flavors, and you don’t want artificial coloring, you don’t want artificial panels, or artificial leather... but you want artificial intelligence? How inconsistent.”
VIVA, magbubukas ng TV channel!
Magandang balita sa TV industry ang report na magiging TV channel na ang streaming platform ng Viva na Viva One. May teaser na inilabas na ang nakasulat ay “Ang Bagong TV Mo Paparating Na! A fresh new entertainment experience is coming your way. Get ready for #TheNewTV.”
Ang Viva stars, siguradong masaya sa balitang ito dahil may bagong platform na makakatulong sa kanila at sa kanilang mga career to move forward.
Nanguna sa request ng fans ang magkaroon ng show sina Bea Binene at Wilbert Ross. May nag-request naman ng show nina Rabin Angeles at Angela Muji, at may nag-comment na may bagong kalaban ang TV5 at GMA.
- Latest


















