^

Probinsiya

Bulkang Kanlaon, 3 beses nagbuga ng abo - Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtala ng tatlong beses na pagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros na may 26-80 minuto ang tinagal, ayon sa Philippine Institute pf Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, nagtala rin ang bulkan ng isang volcanic earthquake at nagluwa ng nasa 1,848 tonelada ng asupre.

Mayroon ding katamtamang pagsi­ngaw ang bulkang Kanlaon na naitala na may 400 metrong taas na napadpad sa kanluran-timog-kanluran bahagi ng bulkan at pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis.

Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 4-kilometrong radius Permanent Danger Zone( PDZ) at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions at pagputok ng magma.

Ang Bulkang Kanlaon ay nasa ilalim ng alert level 2 o may pagtaas ng aktibidad.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with