US President Donald Trump dumating na sa ‘Pinas

MANILA, Philippines — Dumating na sa Pilipinas si United States President Donald Trump nitong Martes ng hapon, Nobyembre 17 para dumalo sa 49th ASEAN Summit and Related Summit at ASEAN-US Special Summit.
Lumapag ang sinakyang Air Force One ni Trump sa Balagbag Ramp Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City bandang alas-5:33 ng hapon.
Sinalubong si Trump nina Executive Secretary Ralph Recto, House Majority Leader Sandro Marcos, US Ambassador Jose Manuel Romualdez; US Ambassador to the Philippines Lee Lipton at Pasay City Mayor Emie Calixto.
Matapos ang ilang minuto ay sumakay si Trump sa “Marine One” at dumiretso sa Solaire Resort Para?que City, kung saan siya pansamantalang manunuluyan ng ilang araw.
Ngayong araw ay magtutungo si Trump sa Malacanang Palace kung saan inaasahan na magkakaroon sila ng bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dumalo si Trump sa huling araw ng Summit at inaasahang babalik sa Amerika ngayong araw matapos ang kanilang pagpupulong ni Marcos.
- Latest
















