^

Police Metro

84-anyos nanay ginulpi ng anak na babae

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 84-anyos na nanay ang dinala sa ospital matapos siyang bugbugin ng lasing na anak na babae sa Poblacion, Guinobatan, Albay kamakalawa ng hapon.

Sugatan sa mukha at iba pang bahagi ng katawan na dinala sa Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital ang biktima na si “Nanay Laring” habang inaresto ang  54-anyos anak na kinilalang si “Gemma,” kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-2:00 ng hapon isa sa apo ng matanda ang nagtungo sa Guinobatan Municipal Police Station at humingi ng tulong dahil sa binubugbog ng suspek ang kanyang lola.

Agad rumesponde ang mga pulis at inabutan sa nakakaawang kalagayan na sugatan at nanghihinang nakaupo sa gilid ng kalsada ang matanda.

Dinala ito ng mga pulis sa hospital at ipinagamot habang inaresto at nakatakdang kasuhan ang  suspek.

Sa salaysay ng ilang saksi sa pulisya na nakagawian ng suspek na kapag nalalasing ay ginugulpi ang kanyang nanay.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with