Kim, may kailangang patunayan sa pasko!

Marami nang sabik sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) umpisa sa Pasko.
At isa sa kinasasabikan nila, si Kim Chiu.
Ang usap-usapan kasi ay magpo-promote si Kim ng pelikula nila ni Paulo Avelino na A Perfect Marriage na official entry sa MMFF 2026.
Lalo na at nag-post si Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films ng pictorial ng KimPau na eksenang bagong kasal sila.
May caption itong “Sometimes, the photos that bare the hearts of your artists are the candid ones.”
Binaha ito ng mga komento na may kasamang kilig.
Dito raw mapapatunayan ni Kim na hindi siya preggy sa kabila ng persistent na ugong na nagdadalang-tao na ito matapos mag-file ng leave sa It’s Showtime.
Maaalalang ilang days ago na parang may himig ng pagbabanta si Kim na pwede niyang kasuhan ang mga nagkakalat ng mga maling balita.
- Latest























