^

Metro

Chinese national huli sa pekeng birth certificate

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Chinese national huli sa pekeng birth certificate
Sa report ng Bureau of Immigration (BI) ang suspek na si Yao Shucheng, 36, na gu­magamit din ng mga alyas na Lee at King Agbulos ay naaresto noong Linggo ng mada­ling araw nang dumating mula Hanoi, Vietnam, sakay ng Philippine Airlines flight PR596.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, matapos na nagpanggap na Pilipino at gumamit ng pekeng birth certificate upang makakuha ng Philippine passport.

Sa report ng Bureau of Immigration (BI) ang suspek na si Yao Shucheng, 36, na gu­magamit din ng mga alyas na Lee at King Agbulos ay naaresto noong Linggo ng mada­ling araw nang dumating mula Hanoi, Vietnam, sakay ng Philippine Airlines flight PR596.

Ayon sa BI, nakakuha si Yao ng tunay na pasaporte ng Pilipinas gamit ang birth certificate na nakuha sa ilalim ng kanyang pekeng pagkakakilanlan. Halos 21 buwan din siyang nasa labas ng bansa bago bumalik sa Pilipinas. Iniuugnay rin siya ng mga ulat ng paniktik sa pamamaril noong 2024 sa Parañaque City na ikinasawi ng dalawang Chinese national.

Nasa kustodiya na ng BI si Yao habang pinag-aaralan ang deportation at permanenteng i-blacklist dito.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with