^

Probinsiya

3 todas sa Maguindanao ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 todas sa Maguindanao ambush!
Map of Maguindanao del Sur
Wikimedia

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong lalaki ang patay kabilang ang dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographic Unit (CAFGU) sa naganap na pana­nambang sa Barangay Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao del Sur del Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at local executives, agad na nasawi sa ambush ang militiamen na kinilalang sina Samsamin Labay Kabagani at Danny Minandang at sibilyang kasamahang si Esmael Manabilang, dahil sa rami ng tinamong mga tama ng bala sa katawan sa pag-atake.

Lumalabas sa imbestigasyon na magkakasamang sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang bigla na lamang silang paputukan ng mga armadong lalaki na nakaabang sa gilid ng highway sa Barangay Manungkaling.

Mabilis na tumakas lulan ng getaway motorcyles ang mga suspek makaraang matadtad ng bala ang kanilang mga target at iniwang duguang nakabulagta sa lugar.

Sa magkahiwalay na ulat ng mga imbestigador ng Mamasapano Police Station at barangay officials, isang residente sa lugar na nakilalang si Mohamidin Udal Usman, ang tinamaan ng ligaw na bala dahil sa pamamaril ng mga suspek sa tatlong magkakaangkas, at ngayo’y ginagamot sa ospital.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with