^

Metro

20% diskuwento sa 20 bus, inilarga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
20% diskuwento sa 20 bus, inilarga
Sinimulan ang deployment kahapon, Nobyembre 4 matapos inspeksiyunin ni Transportation Secretary Vince Dizon ang Antipolo Station at matukoy ang kakulangan ng mga tren na bumibiyahe sa linya.
STAR / File

Sa hindi nasasakay ng LRT-2

MANILA, Philippines — Nag-deploy ang Department of Transportation (DOTr) ng 20 bus na may 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe upang maibsan ang pagsisikip at matulungan ang mga pasaherong hindi nasasakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Sinimulan ang deployment kahapon, Nobyembre 4 matapos inspeksiyunin ni Transportation Secretary Vince Dizon ang Antipolo Station at matukoy ang kakulangan ng mga tren na bumibiyahe sa linya.

Ayon kay Dizon, umaabot sa 4,000 ang bilang ng mga pasahero tuwing rush hour, habang 10 tren lamang ang operational sa buong ­linya, dahilan upang hindi makasakay ang ilang commuter.

Sa unang yugto ng operasyon, bibiyahe ang mga bus mula ­Antipolo hanggang Cubao, habang may hiwalay ding biyahe patungong Legarda para sa mga estudyante.

Personal na sinubukan ni Dizon ang biyahe ng mga bus upang masuri ang dami ng pasahero at tiyaking makatutulong ang serbisyo sa mga commuter.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with