^

Police Metro

Pet crematorium owner, kakasuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Labi ng mga aso’t pusa itinapon sa Bulacan

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng ilang pet owners ang may-ari ng Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite dahil sa halip na i-cremate ang kanilang namayapang alagang mga aso at pusa ay ibinalot sa plastic bag at itinapon sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ilan sa mga aso ay kinilala mismo ng kanilang mga furparents na ipina-cremate sa nasabing crematorium.

Agad namang ipinatupad ni Bacoor City Mayor Strike Revilla ang closure order laban sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium matapos mabigong makapagpakita ang may-ari ng sapat na dokumento at ebidensiya na nagpapatunay na maayos na isinagawa ang cremation ng mga ipinagkatiwalang alagang hayop sa kanila.

Itinanggi ng may-ari ng pet crematorium na si Jonathan Legaspi ang alegasyon nang humarap ito sa mga may-ari ng mga hayop.

Ipinunto rin umano ng may-ari na wala silang pananagutan dahil walang CCTV footage o name tag na magpapatunay na ang mga natagpuang labi ng 29 aso at 3 pusa ay mula sa kanilang mga kliyente.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon at pakikipagpulong kay Legaspi ng mahigit 30 pet owner ay wala itong naipakitang CCTV footage o sapat na dokumentasyon na magpapatunay na aktuwal na naisagawa ang cremation.

Inatasan na rin ni Revilla ang kapulisan at iba pang kinauukulang tanggapan na imbestigahan ang mga reklamo ng mga pet owner.

Bukod sa nakatakdang pagkaso ng mga pet owner ay hihingi din sila ng compenstion at damages.

Samantala, mula nitong Sabado ng hapon ay nagsagawa nang paghuhukay ang mga otoridad sa lugar sa San Jose del Monte kung saan inilibing ang mga labi ng mga aso’t pusa upang makuha at maidokumento ang mga ito at matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

PET CREMATORIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with