Tatlong ex ni Gerald, buntis daw?!

Pinagsususpetsahang buntis na si Pia Wurtzbach. Duda lang naman.
Pero imbes na matuwa ang ibang followers niya, ang naisip agad nila, tatlong ex ni Gerald Anderson ang diumano’y preggy – Sarah Geronimo, Kim Chiu and Pia.
Marami talagang mataba ang utak.
Anyway, lately kasi ay walang ganap masyado ang ex-Miss Universe.
Parang mga late post daw ang photos niya sa kanyang social media pages.
Nauna na itong naintriga na diumano’y na-ban sa mga fashion event dahil sa ginawang seat switching sa isang event sa Singapore.
Eh powerful daw ang naagawan ng upuan sa front seat kaya ayun, nawala sa listahan ang pangalan ni Pia sa mga fashion week sa Europe.
- Latest





















