69-anyos lolo, pinatay ng pasaway na kapitbahay
MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang naging kamatayan ng isang 69-anyos na lolo nang siya ay saksakin at gilitan sa leeg ng kanyang pasaway na kapitbahay na nakaaway naganap nitong Lunes sa Sitio Igiban, Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal.
Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ng mga kapitbahay ang nabubulok na bangkay ng biktimang si alyas “Wilfredo” sa loob ng bahay nito.
Agad na naaresto ang suspek na si “Angelo”, 21-anyos, na kapitbahay ng biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na solo na naninirahan ang biktima sa bahay ng amo, at madalas kaalitan umano nito ang suspek.
Una umanong insidente na ikagalit ng suspek ay ang pagsita sa kanya ng biktima sa pagiging salaula matapos maaktuhan na naghuhugas ng paa sa isang balon na pinag-iigiban ng mga residente.
Dito ay binantaan ng suspek ang biktima ng:“Matanda ka na, huwag ka papakita sa akin at huwag ka nang dumaan dito! Kung hindi, papatayin kita!”
Kabilang din sa nating komprontasyon ang pagsaway ng biktima sa suspek sa walang sabi-sabing pamimitas ng rambutan sa loob ng binabantayan niyang property.
Dito ay muli umanong pinagbantaan ng suspek ang buhay ng biktima.
Lumutang din na may isang testigo ang nagtungo sa Barangay Cupang Hall noong Oktubre 18 at isinumbong na nakausap niya ang suspek, na nanggaling sa bahay ng biktima na nagsabi sa kanya na: “Okey na, tinapos ko na siya. Ginilitan ko sa leeg at sa tiyan
Dahil sa mga nakuhang impormasyon, agad inaresto ang suspek, na nakatakdang sampahan ng kasong murder sa piskalya.
- Latest




















