Bahay ni Kuya, lumiit!

May bahay reveal si Kuya kahapon. Yes, ipinakita nga niya ang harapan ng bagong bahay ng Pinoy Big Brother.
Dinaluhan ang bahay reveal ng mga executive ng ABS-CBN at GMA, ganundin ng mga host na sina Robi Domingo at Alexa Ilacad.
Blessing din actually dahil andun si Fr. Tito Caluag.
Collab edition ulit ng dating magkabanggang network ang bubuksang bahay. Pero parang medyo pang-masa ang bahay, medyo maliit ang harapan.
Harapan lang naman ‘’yun kaya ‘wag munang husgahan ng mga nakakita sa social media. Hayaan muna nilang magbukas bago mag-comment.
- Latest






















