^

Police Metro

67-anyos lola pinatay, sinunog!

Cristina Timbang - Pang-masa

Naniningil sa P3K utang ng suspek...

MANILA, Philippines — Karumal dumal ang naging kamatayan ng isang 67-anyos na lola na matapos na siya ay patayin ay sinunog pa ang kanyang tindahan ng suspek na sinisingil niya ng utang naganap nitong Biyernes ng madaling araw sa Brgy. Magdapio, Pagsanjan, Laguna.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si alyas “Divina”, may-ari ng ‘Debbie Sari-Sari Store’ na matatagpuan sa nasabing lugar.

Ang suspek na mabilis na naaresto ng pulisya ay kinilalang si alyas “Lorenz”, na kapitbahay ng biktima. Batay sa ulat, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa tindahan ng biktima na inakala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay namatay ang biktima sa sunog dulot ng faulty electrical wiring.

Subalit, pagsusuri ng Provincial Forensic Unit (PFU) ay nakita ang biktima na may malalim na saksak sa leeg na siyang tunay na ikinamatay nito.

Nabatid na pinatay muna ang matanda bago sinadyang sunugin ang tindahan upang magsilbing mitsa ng pagtakpan ang ginawang krimen.

Lumabas sa imbestigasyon ng Pagsanjan Police na nag-ugat ang krimen sa utang ng suspek na nagkakahalaga ng P3,000. Nagkaalitan ang dalawa nang singilin ng biktima ang suspek at pagbantaang ipapabarangay kung hindi magbabayad na ikinagalit ng huli at sinaksak sa leeg ang una. Natukoy ang suspek matapos itong makitang tumatakbo palabas ng tindahan sa isang CCTV footage at ayon na rin sa salaysay ng mga residente bago sumiklab ang apoy. Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek at nahaharap sa kasong kriminal.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with