VP Sara Duterte, ‘di magbibitiw sa puwesto

MANILA, Philippines — “I will not resign, will never resign from the Office of the Vice President”.
Ito ang tiniyak ni Vice President Sara Duterte sa gitna nang umuusad na impeachment trial laban sa kanya sa Senado.
Sa ngayon, wala pa naman aniya silang pinaplanong susunod na hakbang ngunit tinatalakay umano niya at ng kanyang mga abogado ang mga alegasyon laban sa kanya at kung ano ang mga legal recourses na maaari nilang gawin.
“Pinag-uusapan namin ng mga abogado na napakarami naman ng mga legal recourses na ginagawa ni (Ramil) Madriaga, ni (Rodulfo) Gracioso, ni (NBI director Melvin) Matibag, ni (Antonio) Trillanes, kaso we do not expect fairness from the government in general.Pinag-uusapan lang, pero wala naman kaming hakbang,” aniya.
“Ang ginagawa lang namin sa ngayon ay sinasagot na hindi ito totoo, at bakit ginagamit ninyo ang pera ng gobyerno sa paninira?” aniya pa.
Nasa ika-39 araw na ang impeachment trial at tinapos na rin ng prosecution team ang pagpiprisinta nila ng mga ebidensiya at testigo laban sa bise presidente kamakalawa.
Nakatakda namang magprisinta ang defense panel ng kanilang mga ebidensiya at testigo sa Nobyembre 9.
- Latest




















