Kim ‘di binanggit?! Paulo, nagpasalamat sa ABS-CBN at fans

Wagi si Paulo Avelino ng Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2026 na ginanap sa South Korea kamakailan.
Kinilala ng fans ang husay ni Paulo bilang Vincent Cabrera sa seryeng The Alibi, na pinagbidahan nila ni Kim Chiu, na tumanggap din ng parehong parangal noong 2024. Umani siya ng 43.63% na fan votes sa Idol Champ app.
“Gusto kong pasalamatan ang home network ko, ang ABS-CBN, na nagbigay sa akin ng oportunidad. Gusto ko rin pasalamatan ang Dreamscape para sa paggawa ng kwento at ng aking karakter. Sa Prime Video, na patuloy na naghahatid ng mga kwento ng mga Pilipino sa buong mundo, at siyempre sa mga fans na bumoto sa akin, maraming salamat.
“Andiyan kayo, hindi niyo ako iniwan, pinanood niyo ang aking mga programa, mga pelikula, at nagbayad sa sinehan. Sobrang na-appreciate ko kayo,” saad ni Paulo sa kanyang acceptance speech.
Maliban kina Kim at Paulo, kabilang sa mga Kapamilyang pinarangalan ng Outstanding Asian Star ay sina Belle Mariano (2022) Kathryn Bernardo (2023) at Daniel Padilla (2025).
Ay wait, hindi niya nabanggit ang pangalan ni Kim kaya may ilang fans na na-sad.
Ang Seoul International Drama Awards ay binibigyang parangal ang mga huwaran sa larangan ng drama at mga programa sa buong mundo.
- Latest




















