^

Police Metro

Lola pinugutan ng lalaking baliw

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang naging kamatayan ng isang 66-anyos na lola nang pugutan siya ng ulo ng isang 25-anyos na lalaki na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip naganap nitong Huwebes ng umaga sa Zone 3, Barangay San Ramon, Lupi, Camarines Sur.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Lola Ancia, residente ng lugar habang ang suspek ay kinilalang si alyas na “Arvin” na ayon sa paunang impormasyon ng pulisya ay posibleng may sakit sa pag-iisip.

Batay sa salaysay ng isang residente na alas-11:20 ng tanghali ay nakita niya ang suspek na parang may pinagtataga gamit ang bolo sa tabi ng kalsada at saka umalis.

Agad pinuntahan ng residente ang lugar at laking gulat nito nang makita ang biktima na nakahandusay at wala ng ulo.

Nang puntahan ang bahay ng suspek sa ‘di kalayuan ay nakita ang ulo ng matanda na nakapatong sa upuan.

Mabilis na nagsumbong sa mga pulis ang saksi na agad namang rumesponde at inabutan ang salarin na sumuko sa kanilang barangay kapitan.

Narekober din ng mga pulis sa crime scene ang bolo na ginamit sa pagpaslang.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lupi MPS ang suspek habang inihahanda ang kasong murder at inaalam pa ang malalim na motibo sa krimen.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with