^

PSN Showbiz

Rhen at Joseph, ‘di nagka-inlaban!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rhen at Joseph, ‘di nagka-inlaban!
Rhen at Joseph
STAR / File

Waiting nga­yon ang Viva actress na si Rhen Escaño sa kanyang next project sa bakuran ng Viva matapos maging malaking hit on Viva One, ang kanilang Wattpad material series na My Husband is A Mafia Boss (MHIAMB) na pinagtambalan nila ng actor na si Joseph Marco.

Although inasahan ng kanilang supporters na mauuwi sa totohanan ang relasyon ng dalawa, they remain close friends hanggang ngayon.

Humihirit din ang fans nina Rhen at Joseph na sana’y makagawa ang dalawa ng pelikula na silang dalawa rin ang mga pangunahing bida.

Streetboys, mas nauna sa reunion

Mahirap mapantayan ang record na naitala ng all-girl group na SexBomb Girls of the late ‘90s to 2000s nang ito’y magkaroon ng reunion concert after over two decades sa Big Dome (Smart Araneta Coliseum) nung Dec. 4, 2025.

It was a sold-out concert na sinundan ng kanilang three-night sold-out concert sa SM MOA Arena na hindi nila ito nagawa nung nasa peak sila ng kanilang career.

Ang grupo ay patuloy na nag-iikot sa iba’t ibang bansa which include Australia, USA, Canada and the Middle East at iba pang lugar.

Dahil dito, na-encourage ang ibang grupo na magkaroon din ng reunion although ito’y sinimulan ng Streetboys (which include Vhong Navarro, Jhong Hilario, Spencer Reyes, Danilo Barrios at iba pa) nung 2024.

Magkakaroon ng reunion concert ang all-girl sexy group na Viva Hot Babes na binubuo nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Gwen Garci, Sheree (Bautista), Jaycee Parker, US-based Ella V, Jennifer Lee at iba pa. Pinamagatang BULAKLAK: Viva Hot Babes Reunion Concert base sa kanilang hit song na Bulaklak, ito’y pamamahalaan ni Direk GB Sampedro na gaganapin sa New Frontier Theater sa darating na Oct. 23, 2026 sa ganap na ika-8 ng gabi.

Bukod sa awiting Bulaklak, pinasikat din ng Viva Hot Babes ang Kikay, Basketbol at Pag-ibig ang Kailangan.

Bukod sa Viva Hot Babes, pinaghahandaan na rin ng all-male dance group (ng OctoArts noon), ang Manuevres (dating Octo Maneuvres) ang kanilang reunion dance concert. Ang grupo ay pinamumunuan ni Joshua Zamora na mister na ngayon ni Jopay Paguia na miyembro ng SexBomb Girls.

Kris, tutok din sa bunsong anak

Alam mo, Salve A., marami ang pumupuri sa Fil-Am singer-songwriter and performer na si Kris Lawrence na kahit nung panahong hiwalay sila ng kanyang nakabalikang partner na si Katrina Halili ay never siyang nagpabaya sa kanilang 14-year-old daughter na si Katie.

Ito’y patuloy rin niyang ginagawa sa kanyang second at bunsong anak na si Lyric (7) sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Carmina Kate de Leon na kamakailan lang din nag-birthday.

Nananatiling close si Kris sa kanyang bunsong anak na close rin sa kanyang panganay (kay Katrina Halili) na si Katie at aware rito ang Kapuso actress na never umano niyang babaguhin.

Nagkabalikan nang muli sina Kris at Katrina at nangyari ito nung midnight ng Sept. 13 nung nakaraang buwan.

JOSEPH MARCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with