^

Police Metro

Ex-DPWH Usec: P120-M ‘balato’ ni Co, 1% lang ng kickback

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 1% lamang umano ng kabuuang halaga ng kickback ang umano’y P120 mil­yong balato na natanggap ni dating Public Works Un­dersecretary Roberto Ber­nardo mula kay dating­ Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa mga infrastructure pro­jects ng pamahalaan sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Bernardo nang tumestigo bilang state witness sa kasong graft ni Co sa isinagawang pag­dinig kahapon ng Sandi­ganbayan Fifth Division kahapon na kapapalooban ng P289.4 milyong substandard road dike project sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Bernardo, ang naturang halaga ay nakuhang balato kay Co sa loob ng tatlong taon o nasa P45 milyon noong 2023, P50 milyon noong 2024 at P25 milyon noong 2025.

Aniya, ang isang porsiyentong balato ay bahagi ng umanoy “25 percent commitment” na nakatoka kay Co sa bawat DPWH project.

Sinabi pa ni Bernardo bukod sa kanya, ang state witness at dating district engineer ng Bulacan na si Henry Alcantara ay tumanggap din ng one percent na balato mula kay Co mula sa “25 percent commitment.”

Si Co na sinasabing may-ari ng Sunwest Corpo­ration na gumawa ng dike ang siyang Chairman ng House committee on Appropriations bago magbitiw bilang a partylist representative noong Setyembre 2025 nang ma­bulgar ang multi­bilyong flood control scam sa bansa.

ROBERTO BER­NARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with