^

PSN Showbiz

Gerald tumangging maging pulitiko, ini-enjoy ang pagiging single!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald tumangging maging pulitiko, ini-enjoy ang pagiging single!
Gerald Anderson.
STAR/ File

Hindi nakapagsinungaling si Gerald Anderson nang tanungin ko kung may natatanggap ba siyang mga alok na kumandidato sa kahit anong posisyon.

The other day nga ay nakausap si Gerald ng ilang entertainment media, nang mag-renew siya ng kontrata bilang ambassador ng Greenfield Tools at doon namin siya natanong tungkol dito : “Syempre, ayaw kong magsinungaling pero obviously meron.

“But hindi, hindi po eh. Marami pa akong kwento, istorya na gusto ko pang gawin.

“Masaya ako sa pag-aartista,”  katwiran niya kung ba’t hindi siya interesado sa pulitika.

Dagdag pa niya : “Nakikita ninyo naman na nakakagawa ako ng Pusong Bayani, may mga gagawin pa tayo in the future.

“May mga teleserye ako na gagawin na tungkol sa mga sundalo, tungkol sa nangyayari sa Pilipinas. Masaya na po ako sa ganun kasi may impact pa rin ‘yun,” dagdag pa niyang sagot.

Saka ‘nagagamit’ naman daw niya ang ibang pulitiko.

“Masaya naman po ako bilang isang artista. Marami rin tayong nagagawa. Marami ring oportunidad. May mga kaibigan din ako sa pulitika so kumbaga pangit ‘yung word, nagagamit ko rin sila, para makatulong sa mga tao. Sa ngayon iyon ‘yung purpose ko as a celebrity,” paliwanag pa niya.

Maraming mga charity program si Gerald na obviously ay nakakahingi siya ng tulong sa mga pulitikong kaibigan.

But anyway, hindi na niya binanggit kung national o local position ang iniaalok sa kanyang takbuhan.

Samantala, aminado ang actor na matagal na rin siyang single.

“Matagal-tagal na rin,” sabay tawa nito.

Ini-enjoy na lang daw niya ngayon “dahil kapag nagkapamilya na ako, hindi na tayo magkikita-kita lagi,” pabiro niyang dugtong.

“By choice I have... marami pa akong gustong gawin... kailangan... mahirap maging unfair,” sabi pa ni Gerald.

Samantala, aminado rin ang actor na pagdating sa babae ay old school siya.

Mas gusto niya raw ang old-fashioned misis or traditional housewife na aalagaan siya.

“Si Misis na bahala sa… Syempre medyo old school kasi ako, so, mas gusto ko ganong setup. Hindi ko maintindihan kung ano iyong trophy girlfriend eh pero hanggang saan iyon. Syempre kailangan partner in life ang kailangan mo,” hirit niya sa gustong ugali ng mapapangasawa.

“Sa simula lang iyang trophy girlfriend na ‘yan eh. Kapag nakita ka niya at your lowest, kapag mainit ulo mo, maraming obstacles at challenges sa trabaho so dapat pag-uwi peaceful.

“But again, nandun ako sa old school mentality na ang lalaki ang provider.

“Si misis, iyong partner mo ang bahala sa bahay, sa mga anak, sa pamilya.

“I don’t know. Baka ma-cancel ako kasi hindi ko alam kung ano bang dapat ngayon pero medyo nasa ganon pa rin ako,” pagdidiin niya.

Samantala, kamakailan ay nag-trending ang isang video na tila napikon siya sa isang basketball game sa ama ni Anthony Constantino.

“Lagi kong sinasabi, like, physicality, the heat of the moment, the heat of the game, competitiveness. Sobra. Can you imagine mga celebrities kami pero sobrang competitive. That’s all I ask for. Ayun yung pinaka-gusto ko as a basketball player.”

At nang tanungin siya kung ano talagang nangyari : “Wala, it’s just passionate family members. Ganon lang kasimple.

“Passionate. I told Anthony, passionate iyong Dad mo ‘no. It’s okay. I respect that. Ganon talaga. It’s basketball. You know, wala naman ako ganong hard feelings or hindi naman ako balat-sibuyas Ganon talaga. I actually welcome it. It means they care about the game, they care about the sport. Alam ninyo naman na lahat ng natutunan ko sa sports, mula nung nag-artista ako, in-apply ko ‘yun and ganon talaga.

“I’m not the kind of person na palalakihin pa ‘yan,” diin pa ng aktor.

Anyway, masaya si Gerald sa Greenfields dahil aniya, siyang-siya ang mga nasabing produkto lalo na at madadagdagan na naman ang kanyang resort.

Sa Zambales din daw pero ayaw pa niyang magbigay ng dagdag na impormasyon tungkol dito.

Hands-on siya sa mga kailangan sa kanyang mga pag-aaring resort kaya naman siya mismo ang nag-aayos kapag may kailangang i-repair.

GERALD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with