^

Pang Movies

Bambbi, nag-effort sa mantsa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bambbi, nag-effort sa mantsa
Bambbi at Tine
STAR/ File

Showing na next week ang horror-suspense thriller, Mantsa (Stain), na kabilang sa mga producer ang beauty expert and personal friend naming si Bambbi Fuentes.

Naturally aniya, kinakabahan, pero lagi raw niyang iniisip na napaghandaan nila ang pelikula kaya nawawala rin ang kaba niya.

Bukod sa pagiging producer, siya rin ang nagsulat ng kuwento nito.

Kasama niya bilang producer si Ms. Tine Areola na mommy ng isa sa mga bida sa pelikula, si Shira Tweg under Dragons Entertainment Productions with Ric Valenzuela Jr bilang producer din.

Kaya naman ipinagmamalaki ni Bambbi, na sa trailer ay nakakaintriga na. Sa ilalim ito ng direction ni Louie Ignacio.

Mga bagay na mas nakakatakot aniya kaysa sa mga multo, nakatuon ang kuwento nito.

Nabuo ni Bambbi ang kuwento ng Mantsa last May 2024. Kaya talagang ang tagal daw ng kanilang naging preparation – January 2025 nila ito natapos. “Pagkatapos, noong January 2026, nagsimula na kaming mag-cast. Timely ang pagtalakay namin sa mental health sa pelikulang ito. Umaasa ako na sa hinaharap, kapag kumita na ang Mantsa, makagagawa pa kami ng iba pang magagandang pelikula at magiging mas masaya ang industriya,” sabi ni Bambbi tungkol sa kanyang bagong ‘misyon.’

Pinipili naman ni Ms. Tine na panatilihing positive ang pananaw sa tuwing sasabak sila sa movie production lalo na aniya at malapit sa puso niya ang kuwento ng pelikulang ito. “Maipapakita natin dito ang tunay na nangyayari sa mga kabataan ngayon,” umpisa ni Ms. Tine. “Laban lang. Talagang kailangan nating lumaban para sa pelikulang ito.”

Magkakaroon ang Mantsa ng Red Carpet premiere bukas, Lunes, Oct. 5.

Bilyonaryong bakla, namimigay ng rolex sa mga gwapong pulis

Sobrang generous pala ang isang kilalang gay personality na medyo controversial sa kasalukuyan dahil sa konek sa isang actor.

Kung pera, meron naman daw talaga ito, kaya talagang kung magregalo ganun-ganun na lang.

Ang mga security nga raw nitong mga gwapong pulis, Rolex watch ang inireregalo.

Yes, Rolex talaga, ayon sa source.

Na siya raw talaga ang namimili ng mga security niya dahil kailangang mga gwapo.

Pero ang nakakaloka, kahit anong yaman daw nito, nagrerenta lang pala ito ng kanyang tinitirhan na mansion ngayon sa isang gated subdivision kung saan nakatira ang mga expat, diplomat at ilan sa mga pinakamayayamang pamilya ng bansa.

Milyones daw ang rent nito sa nasabing bahay na pinupuntahan din ng actor na nali-link sa kanya sa kasalukuyan.

BAMBBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with