^

Pang Movies

Rhian, iniintrigang may ipinagawa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Rhian, iniintrigang may ipinagawa!
Rhian

Tsinik namin ang Instagram ni Rhian Ramos to check her la­test photos dahil may lumabas na photo na iba ang hitsura ng aktres. May nag-akala tuloy na may ipinagawa ito sa kanyang mukha.

Walang bagong post si Rhian at ang last post nito ay September 19 pa ang huli. Mapapansin nga na may nabago sa kanyang mukha, parang lumapad at hindi malinaw kung dahil sa make-up.

Pero ayon naman sa ilang nakakita sa kanya, ganun pa rin naman daw at parang mas chill lang ito, at walang inaalala.

Well, umaasa ang mga fans ng aktres na make-up lang ang dahilan sa pagbabago ng mukha ni Rhian at sa susunod na may bago siyang photo post, ang dati niyang mukha ang makikita sa kanya.

Atasha, tinantanan na ng bashers!

Nabasa namin ang FB post ng talent manager na Noel Ferrer tungkol sa patuloy na pamba-bash kay Atasha Muhlach dahil sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musiical. Although parang wala na talaga ang mga basher n a mabilis nanghusga.

Saka wala naman silang magagawa, manood muna sila bago mang-bash.

Marami ang nag-agree kay Noel at pinapatunayan ng mga nakapanood na ng musical na Atasha na magaling si Atasha as Annie Batungbakal. Sabi ng isang nag-comment, andaming mema na may masabi lang. Ang payo nito, kung ayaw manood ‘wag  nang manira. Kung may reklamo pa rin sila, sila na ang magprodyus ng musical at sila na ang pumili ng cast.

Naalala tuloy namin ang sinabi ni Aga Muhlach sa interview sa kanya after the opening, hayaan ang “ingay” sa paligid at naniniwala siyang nagawa ni Atasha ang dapat at tamang gawin bilang si Annie B.

Born… at task, extended?!                                              

Masaya ang Pasko at Bagong Taon ng cast ng Born to Shine, at Task force Firewall kung totoo ang balitang extended ang dalawang shows ng GMA. 

Ang sabi pa, hanggang 2027 ang next year ang extension. Papasok pa lang tayo sa October, may three months pang natitira ang 2026 kaya matagal pa ang itatakbo ng dalawang shows.

Ang mataas na rating, at positive reviews daw sa dalawang shows ang ilan sa rason na sinasabi kung bakit nag-decide ang GMA to extend ito.

Nakakatulong din siguro love triangle ng mga karakter nina Kylie Padilla, Luis Hontiveros at Jak Roberto.

RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with