^

Pang Movies

Ivana, wala nang magawa sa pera?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ivana, wala nang magawa sa pera?!
Ivana Alawi

Well, parang namumulot na lang daw talaga ng pera si Ivana Alawi.

Kahapon ay may post siyang ‘pera o squishy.’

‘Pag pera raw ang pinili, bibigyan niya ng P5,000 pero kung squishy ang pinili mo, may kalakip ‘yung P20,000.

Ang bongga ka day ng pagimik ng sexy actress na namimigay rin daw siya ng iPhone 18 sa kanyang followers.

Sa kasalukuyan ay may 54 million followers na si Ivana sa Facebook page niya.

Siya na nga ang most followed local celeb sa nasabing social media platform.

Kaya nga talagang parang namumulot na lang siya ng datung sa kasalukuyan.

Wala nang balita tungkol sa kanila ng diumano’y karelasyon niyang pulitiko pero going strong daw ang kanilang relasyon ayon sa narinig kong usap-usapan.

Aktres, mas dumami ang endorsement nang lumayas sa manager!

Ang dami raw offer na endorsement ngayon sa isang actress.

Ito ay umpisa raw nang magpalit ito ng manager.

Gulat nga raw ang ilang kakilala ng actress na ang dami raw offer dito bigla.

Wala namang malisya ang kuwento ng source, pero shocked lang daw talaga sila.

Kaya abangan dahil sunud-sunod daw ang lalabas nitong mga endorsement. 

Komedyante sa Eat Bulaga, pinarusahan ng LTO

Bentang-benta sa social media ang blind item ng Land Transportation Office (LTO) na may pamagat na TV HOST, INISYUHAN NG SCO NG LTO MATAPOS MAKUHANANG WALANG SEATBELT AT BUMABA NG SASAKYAN HABANG NASA KALSADA; LISENSYA SUSPENDIDO, SASAKYAN INALARMA…

Nakasulat nga sa blind item ng LTO na:

“Matapos makarating sa ahensya ang viral video ng mga host na nagre-record habang kumakanta sa loob ng sasakyan, agad na umaksyon ang LTO, sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, at naglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng sasakyan kaugnay ng mga nakitang paglabag sa naturang bidyo.

“Sa naturang bidyo, makikitang minamaneho ang sasakyan nang walang suot na seatbelt habang nire-record ng kanyang mga kasamahan ang kanilang pagkakantahan sa loob ng sasakyan. Sa dulo ng bidyo, makikita ring bumaba ang drayber ng sasakyan habang nasa kalsada, iniwang bukas ang pintuan nito, at muling sumakay.

“Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at drayber ng SUV na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Setyembre 29, 2026 para sa pagdinig. Kinakailangan din nitong magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig, upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot ang itinalagang drayber sa mga posibleng paglabag sa Failure to Wear the Prescribed Seatbelt Device at Reckless Driving, gayundin sa posibleng pagdeklara sa drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagsuspinde o pagbawi ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.

“Samantala, agad na ipinatupad ang 90-araw na preventive suspension sa lisensya sa pagmamaneho ng drayber habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inaatasan din siyang isuko ang kanyang lisensya sa LTO, habang nananatili naman ito sa alarm status, gayundin ang sasakyan.

“Walang masama sa pag-content at pagsasaya sa loob ng sasakyan, pero hindi kailanman dapat isantabi ang kaligtasan para rito. Bilang lisensyadong drayber, alam niya ang kanyang responsibilidad na magsuot ng seatbelt, manati­ling nakatuon sa pagmamaneho, at sumunod sa iba pang umiiral na batas-trapiko,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

“Kapag may paglabag, maaasahan ang LTO na kikilos nang walang pinipili at walang pinapalampas,” dagdag ni Asec. Lacanilao sa kanilang post.

Sinabi pa nila na nais ipaalala ng LTO na tiyaking laging sumusunod sa mga umiiral na batas bilang bahagi ng pananagutan na kaakibat ng pribilehiyong makapagmaneho.

Ang bilis nahulaan na si Ian Red ng Eat Bulaga ang nasabing blind item ng LTO.

In all fairness, naging maingay ang LTO nang umupo si Asec. Laca­nilao.                

IVANA ALAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with