Ex-manager ni Bea, favorite na ulit si Gerald!

Ay ang ex-manager na ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan diumano ang nag-o-offer ngayon kay Gerald Anderson sa ilang producer.
Obviously, ayos na raw sina Madam Shirley at Gerald.
Maalalang galit na galit noon ang talent manager nang magkaroon ng ghosting issue kina Bea and Gerald.
Hinding-hindi raw pwedeng makasama ng aktor ang mga alaga ni Ms. Shirley that time.
Ngayong hindi na raw ok sina Bea at Madam Shirley na kamakailan ay nagpa-presscon para sagutin ang kontrobersiya sa pagkalas niya as talent manager sa misis ng bilyonaryong si Vincent Co, excited na diumano itong tumanggap ng project na kasama si Gerald para sa kanyang mga alaga.
- Latest
























