^

PSN Showbiz

Kris, mas malusog na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kris, mas malusog na!
Kris Aquino
STAR / File

Apaw ang kaligayahan ng fans sa paglabas ni Kris Aquino, kung saan dumalo siya sa event ng isang brand kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino.

Dumalo ang mag-ina sa event ng nasabing brand ng personal hygiene noong Martes, Setyembre 15, at nakipag-usap sa mga host ng Dogshow Divas na sina Baus Rufo at Macoy Dubs.

Maganda ang aura ni Kris. At tumaba na siya. Hindi na rin manas ang hitsura o bloated. Healthy-looking na si Kris at ang ganda ng vibe niya that night. Bagay rin sa kanya ang hairstyle at white suit.

Anyway, masaya ring sinagot ng Queen of All Media ang ilang mga tanong kabilang na ang mga aral sa buhay at health issues.

Kasunod ito ng kanyang official comeback matapos ang official launching ang kanyang pagiging Chief Head of Insight and Content Analysis o CHIKA, para sa isang streaming platform.

Matagal-tagal ding nawala sa limelight si Kris dahil tinutukan niya ang pagpapagamot para sa kanyang mga autoimmune disease.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with