Kris, normal na ang hitsura!

Apaw ang kaligayahan ng fans sa paglabas ni Kris Aquino, kung saan dumalo siya sa isang event ng isang brand kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino.
Dumalo ang mag-ina sa event ng isang brand ng personal hygiene noong Martes, Setyembre 15, at nakipag-usap sa mga host ng Dogshow Divas na sina Baus Rufo at Macoy Dubs.
Maganda ang aura ni Kris. At tumaba na siya. Hindi na rin manas ang hitsura o bloated. Healthy-looking na at ang ganda vibe niya that night. Bagay rin sa kanya ang hairstyle at white suit.
Anyway, sa nasabing programa, masaya ring sinagot ng Queen of All Media ang ilang mga tanong kabilang na ang mga aral sa buhay at health issues. Kasunod ito ng kanyang official comeback matapos ang official launching ang kanyang pagiging Chief Head of Insight and Content Analysis, o “CHIKA,” para sa isang streaming platform.
Matagal-tagal ding nawala sa limelight si Kris dahil tinutukan niya ang pagpapagamot para sa kanyang mga autoimmune disease.
- Latest






















