Bela at tech CEO, walong buwan na!
Wala nang pagtatago sina Bela Padilla at tech entrepreneur and CEO na si Martin Tan matapos nilang kumpirmahin mismo na sila ay magkarelasyon.
Sa isang casual interview kasama ang content creator na si Johnny, hayagang inamin ng aktres at ng kanyang partner na couple sila. Nangyari ang naturang interview habang namimili ang dalawa sa Legazpi Sunday Market sa Makati City.
Mapapanood ang kanilang pag-uusap sa reel series ni Johnny na Meet Cute with Johnny K.
Diretsahan silang tinanong ni Johnny K kung sila ba ay isang couple.
“Yes,” agad na sagot ni Bela.
Pagdating naman sa kanilang love story, ibinahagi ni Martin na isang common friend ang naging tulay upang sila ay magkakilala.
Para kay Bela, naging madali ang kanilang connection dahil marami silang pagkakapareho pagdating sa mga kinahihiligan. Isa na rito ang kanilang pagiging movie lovers.
Ayon sa aktres, naging interesado siya kay Martin nang malaman niyang mahilig din ito sa mga pelikula.
“He said he likes movies, and I love movies also, so I was very, very excited when he started talking about this,” kuwento ni Bela.
Sa naturang interview ay natanong sila ni Johnny kung gaano katagal na sila at sagot ni Martin, “8 months.”
Nang tanungin naman kung ano ang pinakagusto niya kay Bela, walang pag-aalinlangan ang sagot ng tech entrepreneur.
“Her brain, and she’s funny and beautiful,” ani Martin.
Si Bela naman ay may sariling listahan ng mga katangiang gusto niya kay Martin. Kabilang dito ang pagiging adventurous at pagiging game nito sa mga bagong experience, tulad ng maagang pagpunta sa market.
“He’s game to try everything, like going to markets even if it’s early. What else? He is pogi,” nakangiting pahayag ni Bela.
“I don’t wanna say it because people will start DM-ing you,” sey pa niya.
One of the things Bela appreciates most about Martin is how he makes an effort to cheer her up whenever she is going through something. Kapag alam daw nito na may pinagdadaanan siya, he would sometimes plan a trip for them.
“When he knows I’m going through something, he’ll plan a trip. Yeah, I think beach trips, that’s my fave,” ani Bela.
Simple gestures naman ang nagpapasaya kay Martin. Isa sa mga paborito niya ay ang little notes na iniiwan ni Bela sa kanyang work bag.
“Little notes in my work bag,” sagot niya when asked about the sweet things Bela does for him.
Although the couple has kept their relationship relatively private, their romance first made headlines after they were spotted together at the opening of a pet lifestyle clinic owned by cosmetic doctors Dra. Aivee Aguilar-Teo and Dr. Z Teo in June 2026.
- Latest






















