^

Police Metro

Presiding officer din ang acting vice mayor – Remulla

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Presiding officer din ang acting vice mayor – Remulla
Jesus Crispin Remulla on March 19, 2025.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Kasama sa tungkulin ng isang Acting Vice Mayor ang pagiging presiding officer ng Sangguniang Panlungsod.

Nilinaw ni Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla ang paglilinaw kasunod ng mga tanong tungkol sa awtoridad ni San Pablo City Acting Vice Mayor Shaira Aliyah Diaz.

Ang isyu ay nagsimula matapos suspendihin ng Ombudsman sina San Pablo City Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr. at Vice Mayor Justin Colago.

Dahil kapwa suspendido ang dalawang halal na opisyal ay umiral ang kaukulang order of succession kung saan naging Acting Mayor si First Councilor Carmela Acebedo at Acting Vice Mayor naman si Second Councilor Diaz.

Sa kanyang regular na radio program na DZRH Executive Session noong Sabado, Setyembre 12 ay sinabi ni Remulla na kasama ang pagiging presiding officer ng isang acting vice mayor.

Bahagi ng kontrobersiya ang DILG Opinion No. 10, s. 2025, na tumalakay sa isang Acting Vice Mayor na itinalaga habang suspendido ang halal na Vice Mayor.

Iginiit ni Diaz na ang kanyang pag-upo bilang Acting Vice Mayor ay alinsunod sa kaukulang order of succession ay noong Agosto 25 ay pormal na siyang itinalaga.

Nakasaad sa designation na siya ay “shall discharge the powers and perform the duties and functions of the Vice-Mayor until the termination of the vacancy, subject to all applicable law, rules and regulations.”

Sinabi ni Diaz na susundin niya ang anumang paglilinaw na ilalabas ng DILG.

JESUS CRISPIN REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with