The Red Strings, pangungunahan ang Live Sessions Tour

MANILA, Philippines — Bibisita sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang bandang The Red Strings bilang headliner ng Live Sessions Tour ng ABS-CBN Music, isang month-long series ng libreng shows na tampok ang ilang promising Kapamilya artists.
Magsisimula ang Live Sessions Tour sa Linggo (September 13) sa SM City Valenzuela, kung saan pangungunahan ng The Red Strings ang lineup ng rising artists na magpapakita ng kanilang talento at maghahatid ng live performances sa iba’t ibang lungsod sa Luzon.
Binubuo ang banda nina Gello, Cedryck, Llana, Nicholas, Risen, at Liam, na unti-unti nang nakikilala sa kanilang catchy at relatable songs tulad ng Kupido, Asado,” at Nasa Ulap. Sa kanilang youthful energy at sariling tunog, patuloy na nakikilala ang grupo bilang isa sa bagong OPM acts na dapat abangan.
Matapos ang unang stop sa Valenzuela, tutuloy ang The Red Strings sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. Mapapanood sila sa SM City Olongapo sa September 19 kasama sina Cesca at Chie; SM City Bataan sa September 20 kasama sina Erghyll at Jel Rey; SM City Telabastagan sa September 26 kasama sina Lala Vinzon at Yellow Pad; SM City Tarlac sa September 27 kasama sina BRYN at Sarvi; SM City Clark sa October 3 kasama sina Lala Vinzon at Sassa; at SM City Baliwag sa October 4 kasama sina Jarea at Off To Aurora.
Abangan ang The Red Strings at iba pang Kapamilya artists sa Live Sessions Tour. Para sa iba pang detalye at announcements, sundan ang DNA Music PH at One Music Management sa kanilang social media accounts.
- Latest




















