^

PM Sports

EST Cola 2 araw lang binuo para sa PVL Invitationals

Russell Cadayona - Pang-masa
EST Cola 2 araw lang binuo para sa PVL Invitationals
Kampeon ang EST Cola ng Thailand sa katatapos lang na PVL Invitational Conference.
PVL photo

MANILA, Philippines — Dalawang araw lamang binuo ni head coach Wanna Buakaew ang guest team EST Cola ng Thailand para sumabak sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.

Ito ay dahil na rin sa pagiging abala ng Thailand volleyball federation sa pagsali sa mga international tournaments kagaya ng VNL 2026, U17 World Championships, SEA V League/SEA V Cup at iba pang FIVB-sanctioned events.

Ang pagsali sa PVL Invitational Conference ay hindi kasama sa mga pinaghahandaan ng Thailand kaya limitado ang kanilang naging galawan para makabuo ng tropa.

Ngunit sa pangu­nguna ng 20-anyos na si Papatchaya Phontham ay tinalo ng EST Cola ang beteranong Nxled, 25-22, 25-21, 25-19, sa kanilang ‘winner-take-all’ cham­pionship game.

“I feel really happy that we were able to perform well and win the championship for Thailand. I think it helps Thailand keep developing little by little, both the players and the country,” ani Phontham.

Si Phontham ang ka­una-unahang player mula sa isang guest team na hinirang na tournament MVP.

Ang Thai star hitter din ang kinilalang Best Opposite Spiker.

Ang Thai squad ang ikalawang guest team na nagreyna sa PVL matapos ang Kurashiki Ablaze ng Japan sa 2023 Invitatio­nal Conference kontra sa Creamline.

Matapos matalo sa PLDT sa kanilang unang laro ay apat na sunod na panalo ang hinataw ng mga Thai spikers papasok sa gold medal round ng PVL Invitationals.

Samantala, ang iba pang ginawaran ng para­ngal ay sina Gel Cayuna ng Nxled (Best Setter), Jonah Sabete-Escamillan ng N­xled at Fil-Canadian Savi Davison ng PLDT (Best Outside Spikers), Fil-Am MJ Phillips ng Nxled at Jaja Santiago-Minowa ng Creamline (Best Middle Blockers) at Kath Arado ng PLDT (Best Libero).

Papalo ang 2026 PVL All-Filipino Conference sa susunod na buwan.

 

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with