^

Police Metro

Mag-utol dedbol sa pamamaril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magkapatid na lalaki ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa isang liblib na lugar sa bayan ng Paglat, ­Maguindanao del Sur nitong Lunes sa gitna na rin ng umiiral na gun ban kaugnay ng gaganaping Bangsamoro Parliamantary Elections sa dara­ting na Setyembre 14.

Kinilala ni P/Captain Steffi Salanguit, Spokesperson ng Police Regional Office-­Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang magkapatid na nasawi na sina Ebrahim Mamalinta, 35 ng SK Pendatun at Marquez Mamalinta, ng Pandag; pawang sa Maguindanao del Sur.

Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng hapon ay magkaangkas ang magkapatid sa motorsiklo nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong salarin na sakay din ng motorsiklo sa Brgy. Campo, Paglat.

Kapwa tumilapon ang mag-utol sa kanilang motorsiklo at pagbagsak sa kalsada ay muli silang pagbabarilin upang tiyakin na hindi na sila mabubuhay.

Tumakas ang mga salarin patungo sa direksiyon ng bayan ng Gen. SK Pendatun ng lalawigang ito. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy at masakote ang mga salarin at mabatid ang motibo ng krimen.

GUN BAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with